Arestado ang apat na katao sa magkahiwalay na entrapment operation dahil sa pagpapanggap na mga dentista sa Artacho St. Poblacion, sa bayan ng Lingayen.
Sa pinagsanib pwersa ng kapulisan at ng Committee of Illegal Practice of Dentistry, Pangasinan Chapter unang nadakip sina Daniel Servito, 40 taong gulang , residente ng Salisay District, Dagupan City at Edwin Gatpo, 27 taong gulang mula Artacho St. Poblacion, Lingayen.
Sunod na nahuli ang pekeng mga dentistang sina Ronald Mamaril 36 taong gulang, at Renzo Mamaril, 25 na pawang mga residente ng Orno St. Poblacion, Bugallon na pare-parehong nakuhanan ng P500 marked money kasama ang iba pang dentistry materials.
Nahuli ang mga suspek sa pagpapanggap bilang mga dentista, ilegal na pagsasagawa at pagbebenta ng braces, pustiso, orthodontic kits at retainers nang walang mga kaukulang dokumento.
Nahaharap sa criminal case for Violation of RA 9484 o ang The Philippine Dental Act 2007 ang mga naturang suspek.