DAGUPAN CITY–Patay sa pamamaril ang Brgy. Chairman ng Brgy. Balococ, sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupa mula sa Lingayen PNP, sakay ng isang tricycle ang biktimang si Frederick Abalos na minamaneho naman ng kaniyang bayaw na si Eddie Bautista habang tinatahak ang timog bahagi ng Brgy. Quibaol sa nabanggit na bayan nang ilang ulit itong pagbabarilin ng mga suspek na lulan ng isang motorsiklo.

Tinamaan sa ibat ibang bahagi ng katawan ang naturang kapitan dahilan upang ito ay itakbo ng kaniyang bayaw sa Lingayen District Hospital ngunit idineklara ding dead-on-arrival (DOA).

--Ads--

Habang ang mga suspek ay dali-daling tumakas at tinahak ang hilagang direksyon ng naturang lugar.

Samantala, kasalukuyan pa ring inaalam ang motibo ng pamamaril sa nabanggit na kapitan.