DAGUPAN CITY – Patay matapos makagat sa labi ng ahas ang tinaguriang ‘boy ahas’ ng Pangasinan mula sa bayan ng Mangaldan.

Kinilala ang biktima na si Bernardo Alvarez , 61 anyos na residente ng Brgy. Lanas, Mangaldan.

Ayon sa impormasyon, nakita pa raw na umiinom ang biktima bago mangyari ang insedente.

--Ads--

Natagpuan din ang isang fishnet sa tabi nito kung saan nandooon ang cobra.

Napag-alaman din na namaga ang mukha at bumula ang bibig nito na nadala pa sa
pagamutan ngunit ideneklara nang patay.

Kilala raw si Alvarez na nanghuhuli ng ahas sa kanilang lugar.