Patuloy ang imbestigasyon sa nangyaring sunog sa isang gusali sa barangay Poblacion sa lungsod ng Urdaneta.

Ayon kay City Fire Marshal ng Urdaneta BFP FIRE SINSP MICHAEL JOHN ESCAÑO, isang gusali lamang ito ngunit nahahati ito sa anim na commercial spaces at ang second floor nito ay residential space.

Nabatid na gawa sa light materials ang gusali kaya mabilis ang pagkalat ng apoy.

--Ads--

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na nagsimula ang sunog sa second floor.

Sa inisyal na pagtaya aabot sa 500,000 pesos ang halaga ng pinsala sa nangyareng sunog.

Pasado alas dose ng tanghali kahapon nang magsimula ang sunog at idineklara ang fire out dakong 1:25 ng hapon.

TINIG NI FIRE SINSP MICHAEL JOHN ESCAÑO

Sa ngayon ay bawal munang pasukin ang gusali hanggat hindi pa natatapos ang imbestigasyon at inaayos na rin ang supply ng kuryente para maibalik ang power supply sa ilang bahagi ng Barangay Poblacion.

Nagpaalala naman ang naturang opisyal na huwag iiwan ang mga niluluto, mga nakasaksak na gadgets at patayin ang mga appliaces bago lumabas bahay.

Samantala, nasaksihan ng karamihan ang pagtupok ng sunog sa ilang mga establisyemento sa lungsod ng Urdaneta.

Kuwento ng isang saksi na si Melissa Joy Corpuz, marami umanong mga struktura ang nadamay sa naturang insidente kabilang na umano ang mga ukay-ukay, RTWs, pawnshop, at kainan.

Pinaniniwalaan umano nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng isang gusali.

Natagalan umano ang pag-apula sa naturang sunog dahil sa malakas ng hangin.

Tumulong naman umano sa pagresponde katuwang ng BFP Urdaneta ang mga fire stations mula sa karatig bayan nito mula sa Villasis, Rosales at Binalonan.

TINIG NI MELISSA JOY CORPUZ