Higit pa sa init ng Pilipinas ang naranasang heatwave sa Canada.

Ganito inilarawa ni Bombo International Correspondent Ruth Marie Magalong, sa Vancouver, na tubong Tayug, Pangasinan ang naranasan nilang tindi ng init ng panahon.

--Ads--

Aniya, grabe ang init na kanilang naranasan dahil sa 3days thread heatwave na nasimula noong Sabado noong nakaraang Linggo.

Sa katunayan ayon kay Magalong, mas matindi pa ang init ng heatwave na kanilang naranasan kumpara sa init sa Pilipinas tuwing summer, bagay na ngayon lang din aniya nila naranasa sa loob ng halos dalawang dekadang pamamalagi nila sa Canada.

Dahil aniya dito, nasa 321 katao na ang nasawi.

Ipinagpapasalamat nalamang nila na hindi ito sinabayan ng pagkakaroon ng wildfire bagamat nakahanda narin ang Gobierno doon sakaling mangyari ito.

Bombo International Correspondent Ruth Marie Magalong

Pagbabahagi pa ni Magalong, kahit unti-unti naring lumalamig ang temperatura doon ay nakaaalerto parin ang kanilang health ministry upang imonitor ang kalusugan ng mga residente.