Inalerto ng Office of the Civil Defense o OCD ang buong region 1 sa pananalasa ng bagyong Dante.
Sa ulat ni Mark Masudog Public information officer ng Office of the Civil Defense, base sa inilabas na memorandum, hinimok ng ahensya ang mga lokal na pamahalaan na itaas din sa red alert status ang kanilang local disaster risk reduction management council para matugunan ang pangangailangan ng mga residente at maihanda ang lahat ng resources ng mga partners agencies sa magiging adverse effect ng bagyo.
Sa ngayon ay wala pang naitatalang untoward incident kaugnay ng bagyo. Bagamat nakahanda na ang mga rescue equipment.
Tiniyak naman ni Masudog na patuloy nilang minomonitor ang lagay ng panahon at inaasahan na magbabago ang direksyon nito sa mga susunod na mga oras.
Tniyak naman nito na ipapatupad ang minimum public health standards sa mga evacuation center para maiwasan ang pagkalat ng mga sakit sa evacuation center.
Samantala, patuloy naman ang paghahanda ang isinasagawa ng Pangasinan – PDRRMO para regional council para sa posibleng maging epekto ng bagyong Dante sa Probinsya.
Kaakibat sa pag hahandang ito ay ang pagsasagawa ng Pre Disaster Risk Assessment (PDRA) via video teleconference kasama ang iba’t ibang ahensya ng PDRRM Council na pinangungunahan ni Pangasinan gov. Amado I. Espino III, gayun din ang pagbibigay direktiba sa Search Rescue and Retrieval Personnel upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.
Sa kasalukuyan, nananatiling signal no. 2 ang kanlurang bahagi ng Pangasinan (Bolinao, Anda, Bani, Agno, Burgos, Infanta, Dasol, City of Alaminos, Mabini, Sual, Labrador, Bugallon, Aguilar, Mangatarem, Bayambang, Urbiztondo, Basista, Malasiqui, San Carlos City, Santa Barbara, Mangaldan, Dagupan City, Calasiao, Binmaley, Lingayen) at signal no. 1 naman sa mga natitirang bahagi pa ng probinsya.