Isang daang libong dolyar na ang pabuya para sa mga suspek sa pamamaril sa Florida sa Amerika kung saan dalawa ang namatay at higit dalawampu ang sugatan.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Bombo International Correspondent Stella Fullerton mula sa Montana USA, nagbigay ng isang daang libong dolyar ang isang businessman para sa makapagbibigay ng impormasyon sa tatlong suspek sa nangyaring pamamaril sa isang billiard club sa Hileah, Florida.
Isang concert ang nagaganap sa lugar ng insidente kung saan nagtipon-tipon ang mga tao sa labas ng isang establisyemento.
Ayon kay Fullerton pinapayagan na ang mass gatherings sa Florida kung saan maaari nang lumabas ng hindi nakasuot ng face masks .
Sa ngayon ay wala pa ring inilalabas na impormasyon sa mga nasawi at nadamay sa pamamaril.
Dagdag ni Fullerton na hindi naman apektado ang mga Filipino-Americans sa Florida.
Patuloy pa ring pinaghahanap ang mga suspek na sakay ng isang puting Nissan Pathfinder.
Ito na ang pangalawang insidente ng pamamaril na naganap ngayong linggo sa Florida kung saan sa unang drive shooting incident ay may naitalang ilang kataong nasawi habang pito ang sagutan.