DAGUPAN CITY-- Isang karangalan ang nagpatunay sa galing ng mga pangasinense matapos makamit ang pinakamataas na parangal sa isang unibesidad sa amerika.
Tubong Bolinao, Pangasinan si Deborah Ruth Caangay De Perio na nagtapos bilang summa cum laude sa George Mason University sa kursong BS Nursing College of Heath and Sciences.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay De Perio nagbigay ito ng mensahe sa mga estudyanteng nasa larangan ng medical na patuloy na nangangarap sa gitna ng pandemya.
Ibinahagi rin nito ang kanyang karanasan na hindi naging hadlang ang pagiging pilipino dahil kilala tayo sa galing sa pakikisama at pag-aalaga.
Ayon kay De Perio, pangarap na niya ang makatapos ng kursong may kinalaman sa medical. Siya rin ay nakapag-aral ng isa't kalahating taon ng Physical Therapy sa University of the Philippines Manila bago ito nagmigrate sa Amerika noong 2017.
Nakapagbakuna na rin si De Perio ng Moderna vaccine at hiniling ang pakikiisa ng mga Pilipino sa pagbabakuna upang masugpo ang Covid19.
Sa ngayon ay nagvovolunteer bilang covid vaccinator si de perio habang naghahanda para sa kanyang nalalapit na board exam.