Ang paghahanap ng trabaho dito sa bansa ang prioridad ngayon ng Topnotcher sa May 2021 Radiologic and X-Ray Technologist Licensure Examination.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Noli Almazar Samonte , Topnotcher sa May 2021 Radiologic and X-Ray Technologist Licensure Examination at nagtapos sa Saint Louis University na tubong Cabiao Nueva Ecija itoy dahil kailangan ngayon ng bansa ng mas maraming health workers dahil na rin sa nagpapatuloy na nararanasang pandemya.
Ang pangunahing trabaho ng mga nagtapos sa naturang propesyon ay pagsasagawa ng X-ray , CT Scan , MRI at Ultrasound.
Dagdag pa nito na sa ngayon ay nais muna nitong makatulong sa bansa sa gitna ng pandemya sa halip na magtrabaho sa ibang bansa.
Ibinahagi rin nito ang mga pinagdaanang hirap sa pag-aaral hanggang sa makamit nito ang tagumpay sa pagsusulit.
Pinayuhan naman nito ang mga estudyante na magpursige lang sa pag-aaral sa kabila ng nararanasang pandemya.
Bagamat inaasam na maging topnotcher hindi umano nito lubos akalain na makakamit ang kaniyang pinapangarap.