Umabot sa mahigit P1 million ang naitalang danyos sa agrikultura at pagkasira ng 10 tahanan sa nangyaring buhawi sa ilang barangay sa bayan ng Asingan, dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ang naturang buhawi ay sinabayan pa ng malakas na ulan .
Sa ulat sa bombo Radyo ni Asingan mayor Carlos Lopez Jr., kabilang sa mga nasalanta ang Brgy Carusucan Norte, Barangay Calepaan, Barangay Toboy at Barangay Macalong.
Pinaka tinamaan ng buhawi ang barangay Macalong kung saan isang bahay ang nadaganan ng puno habang ang iba ay nasira ang mga dingding at natanggalan ng bubong.
Sa ngayon ay nakabalik na ang mga residente sa kanilang mga tahanan.
Samantala, tiniyak ni Lopez na magkakaloob ang LGU ng financial assistance para ipambili ng mga yero at ibang construction material upang maisaayos muli ang mga bahay ng mga apektadong residente.