DAGUPAN, CITY— Nilinaw ng Commission on Higher Education (CHED) Region 1 na hanggang clerkship pa lamang sa mga medicine courses ang kanilang pinapayagan at hindi pa ang pagsasagawa ng limited face to face classes.

Ayon kay CHED Region 1 Director Rogelio Galera, tanging ang Mariano Marcos State University at Lyceum Northwestern University sa lungsod ng Dagupan ang binigyan ng certicate of authority na magsagawa ng kanilang clerkship sa mga ospital.
Ibig sabihin umano, ang mga medical students ay didiretso sa kanilang clerkship sa mga ospital at hindi para sa pagsasagawa ng face to face classes.

Tinig ni CHED Region 1 Director Rogelio Galera

Sa lalawigan ng Pangasinan, tanging ang Lyceum Northwestern University lamang ang nabibigyan ng otoridad para magsagawa ng clerkship sa mga ospital.

Aniya, kung nais umano ng mga unibersidad sa rehiyon ng face to face classes sa kanilang institusyon lalo na sa kanilang mga medical courses ay kailangan pa umano nilang magcomply sa iba’t ibang documentary requirements.

--Ads--
Tinig ni CHED Region 1 Director Rogelio Galera

Pagkatapos umano ay bibistahin pa umano sila ng evaluation team mula sa Department of Healh (DOH) Inter-agency Task Force (IATF), ang mismong mga kinatawan ng CHED, at ng Local Government Unit sa kanilang lugar upang makita at masuri kung ligtas ang kanilang mga pasilidad laban sa COVID-19.

Matatandaang base sa CHED-DOH Joint Memorandum Circular No. 2021, tanging ang anim na degree program ang pwedeng payagan sa pagsasagawa ng limited face to face classes gaya na lamang ng doctor of medicine, nursing, medical technology/medical laboratory science, midwifery, publc health at physical theraphy basta’t makapagcomply umano sa mga documentary requirements.