Hindi pa rin matahimik ang mga Overseas Filipino Workers na nasa Israel.

Sa ulat sa Bombo Radyo ni Ranie Jane Sia isang OFW mula sa Ashkelon City, Israel, bagamat kalmado na ang kalangitan ay hindi pa rin sila kampante dahil may mga mangilang ngilan pinapadalang bomba sa Ashkelon.

Nabatid na pitung taon na siyang nagtratrabaho sa Israel pero ito ang pinakamalalang taon para sa nasabing pinay worker.

--Ads--

Kung lumala ang situwasyon sa Israel ay nagdeklara na aniya ang Philippine embassy doon na ililikas ang mga OFW. Pero naniniwala si Sia na hindi 100 percent na uuwi sa Pilipinas ang mga ito.

Ranie Jane – OFW sa Ashkelon City, Israel

Sa ngayon ay wala namang naitatalang Pilipino na nasugatan sa nangyayaring gulo sa Israel.