Proud ang designer ng isang gown ni Ms. Universe Philippines, Rabiya Mateo kahit hindi man niya nasungkit ang korona sa Miss Universe.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rian Fernandez, Member ng Council of ASEAN Fashion Designers (CAFD), sinabi nito na hindi lahat ng designer ay nabibigyan ng pagkakataon na mairampa ang likha nilang gown ng isang kandidata na magrepresenta ng bansa sa international competition.

Isa si Fernandez sa mga nagdesinyo sa gown na sinuot ni Mateo sa kanyang photo shoot.

--Ads--

Inilarawan nito na ang swarovski art deco haute couture gown na ginamit ng pinay beauty queen ay 90 percent gawa sa swarovski crystal.

Kaya umano hinaluan nila ng crystal dahil itinuturing na gem si Rabiya at bumagay sa kanyang personality.

Samantala hindi ito ang unang pagkakataon na naging designer siya ng gown ng kandidata sa Miss Universe.

Bukod kay Rabiya, naisuot na rin ang likha niyang gown ni Miss Thailand sa Miss Universe 2016, Miss Canada mula 2016-2019 at si Miss Cambodia noong 2018 hanggang ngayong taon.

Rian Fernandez, Member ng Council of ASEAN Fashion Designers (CAFD)

Nabatid na halos dalawang dekada na siyang designer ng mga gown.