Pinuntirya ng Israel Defense Force (IDF) ang mga pinaniniwalaang tinutuluyan ng Islamist rulers ng Hamas na siyang ikinasawi ng isa sa mga Islamic Jihad commander.

Sa ulat ni Bombo Radyo Dagupan – International News Correspondent Harris King Castillo mula sa Tel Aviv, Israel, bagaman humupa na sa ngayon ang palitan ng air strikes sa Tel Aviv, nariyan pa rin umano ang pag-atake ng Hamas sa border ng katimugang bahagi ng bansang Israel.

Habang nagpapatuloy naman ang mangilan-ngilang panggugulo o pagsasagawa ng riots ng Israeli-Arabs laban sa mga Jewish.

--Ads--

Sa kabila naman ng pagpapakita ng suporta ni U.S. President Joe Biden sa pakikipag-usap nito kay Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu ng pagsasagawa ng ceasefire, ay mayroon apring direktiba ito na ipagpatuloy pa rin ang air strike sa terror targets.

At bilang tugon, nangako ang Hamas na magpapaulan din ito ng mas maraming rockets, dahil na rin sa pagkakasawi ng kanilang Islamic Jihad’s Hussam Abu Harbeed.

BINC Harris King Castillo

Sa kasalukuyan ayon sa Gaza health officials, nasa 212 Palestines na ang nasawi kabilang ang 61 mga bata at 36 na mga babae, habang 10 Israelis naman ang namatay kasama ang dalawang mga bata.