DAGUPAN, CITY— Dapat umanong ipromote o ibahagi mismo ng mga nabakunahan na ang kanilang naging karanasan sa COVID-19 vaccines para mahikayat ang mga Dagupenyo na huwag matakot sa nasabing bakuna.
Ayon kay Mayor Marc Brian Lim, ang Alkalde ng syudad ng Dagupan, sa ngayon kasi ay may mga ilan pa ring nag-aalinlangan o hindi kumbinsido sa pagbabakuna laban sa Covid19 kung kaya’t mahalaga ang pagbabahagi ng mga nabakunahan na kontra sa nabanggit na sakit na ibahagi na ligtas at epektibo ang naiturok sa kanilang bakuna.
Aniya, hindi lamang naman ang ating bansa ang nakakaranas ng pagkatakot sa bakuna kundi pati na rin sa iba pang bansa gaya ng mayamang bansa gaya na lamang ng Estados Unidos.
Sa ngayon umano, ang mga bakunang Astrazeneca na natatanggap mula DOH ng siyudad ay mula pa rin sa Covax facility ng WHO at hindi sa isinagawang deal sa tripartite agreement sa nasabing pharmaceutical company.
Inihayag din ng alkalde na inihahanda na nila ang online registration para sa mga A3 list, yaong may comorbidities. (with reports from: Bombo Framy Sabado)