Ipinagtanggol ni Kathie Lee Berco, Miss Tourism International Philippines 2020 ang pambato ng Pilipinas na si Rabi ya Mateo sa katatapos na Miss Universe grand coronation.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Kathie Lee, bilang dating sumali rin sa international competition ay sobrang pressure kay Mateo na ipresinta ang bansa.
Nariyan aniya ang takot at pakiramdam na hindi satisfy ang mga tao sa naging performance.
Sobrang hirap aniya ang pagsali sa beauty pageants dahil hindi lang dapat maging maganda kundi dapat maging confident at kailangan ding buuin ang personalidad .
Ang maganda pa umano sa mga events gaya ng Miss Universe ay napag-usapan ang mga bagay na kailangang pagtuunan ng pansin at napagsisilbihan ang ibang tao.
Hindi man pinalad ay nagawa naman ni Mateo ang lahat ng makakaya nito sa pagsali sa nasabing competition.
Pinuri din niya ang mga organizers sa paghawak sa event sa gitna ng pandemya dulot ng covid 19.
Samantala, Miss India naman ang paborito niyang manalo dahil sa bukod sa ganda nito ay napakahusay niyang sumagot.