DAGUPAN, CITY— Nais ng mga agriculture groups sa bansa na i-boycott na ang gaganaping food security summit ng Department of Agriculture (DA) na gaganapin sa May 18 at 19.

Ito ang pag-kompirma ni Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG).

Ayon kay So, isang stampad lamang ang ginagawang mga seminar ng DA dahil kahit man nailapit na ang mga hinaing at mungkahi ng mga magsasaka at raisers sa bansa ay ang gusto pa rin umano nila ang nasusunod.

--Ads--

Ilan sa nabanggit na hinaing ay ang patungkol sa isyu ng importasyon ng bigas at manok at lalo na ang pagpapababa ng taripa sa karne ng baboy.

Kung kaya’t napagpasyahan umano ng iba’t ibang grupo sa agriculture sector na kung ano na lang ang kanilang kailangan o hinaing ay i-didiretso na lamang nila ito sa senado at kongreso.

Aniya, mas makatutuhanan na lamang na alam na lamang ng pamahalaan na galing sa raisers at magsasaka ang mga hinaing kaysa mula sa DA dahil tila wala naman umanong mangyayari kung sa naturang ahensiya pa ito idadaan.

Tinig ni Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG)

Dagdag pa ni So, maigi sana umano na mas makapagpasa ng maaga ng request ang DA sa pangulo ng state of calamity kaugnay sa African Swine Fever upang naagapan na umano kaagad ang epekto nito sa mga alagang baboy sa bansa.

Sa ngayon ay pinag-aaralan pa ng kanilang tanggapan ang maari nilang maitulong para sa mga naapektuhang mga magbababoy na lubos na apektado dahil sa ASF.