Inihayag ng Land Transportation Office Region 1 na magkakaroon ng mas striktong pagpapatupad ng ‘crowd control’ sa mga LTO district offices matapos muling magdagsaan ang mga tao sa tanggapan sa mga nakalipas na buwan.
Ayon kay Kathleen Salayog, Asst. Regional Director ng LTO Region 1, simula umano ng magresume ang operasyon ng kanilang tanggapan ay halos araw araw narin na tumataas ang volume ng mga katao na nag iinquure kaya naman dito sila nahirapan lalo na at mas maraming kailangan ipatupad na mga health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Kaya napagdesisyunan na magkaroon na ng mas pinahigpit na scheduling system kung saan binabantayan kung ilan lamang ang kinakailangan at dapat na ma-transact sa loob ng isang araw upang magkaroon ng kabawasan sa dami ng mga dumarating sa mga district offices.
Strikto na rin itong ipiapatupad dahil kung hindi makontrol ay malaki ang tsansa na magkakaroon pa ng mas malaking problema hindi lang sa kanialng mga operasyon kundi lalo na sa kaligtasan ng kanilang mga empleyado at posibleng health risks kaugnay rito.
Dagdag pa ng opisyal, ang mga district offices din umano ang nagtakda ng limit kung ilan lamang ang kayang tanggapin upang hindi magkaroon ng pagsisiksikan sa loob ng mga opisina na direktang paglabag sa physical at social distancing. //Report of Bombo Marianne Esmeralda