Asahan pa rin ang maalinsangang panahon sa darating na mga araw rito sa lungsod ng Dagupan, lalawigan ng Pangasinan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jose Estrada Jr., Chief meteorological officer ng PAGASA Dagupan, ito ay dahil nanatili pa rin umano ang easterlies sa eastern pacific ocean.
Matatandaang noong Sabado ay umabot ng 51°C ang naitalang Heat Index sa lungsod ng Dagupan.
Ani Estrada, dahil na rin ito sa umiiral na Sea Surface Temperature (SST) sapagkat ang naturang lungsod ay may karatig dagat.
Aniya, ang maalisangang panahon sa siyudad ay dahil sa pagkakaroon ng refraction ng Sea Surface Temperature na inihangin, sabay ng init ng araw sa kalupaan.
Habang ang naitatalang heat index ay dahil umano sa tinatwag na apparent temperature na siyang temperaturang nararamdaman ng mga tao dahil sa pinaghalong epekto ng air temperature at relative humidity.
Samantala, patuloy na nakaapekto ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Dahil sa matinding nararanasan na init, mataas ang tsansang magkaroon ng heat cramps at heat exhaustion.
Posible itong mauwi sa heat stroke kung tuloy-tuloy ang physical activity ng isang inidibidwal.
Paalala sa publiko na ugaliing uminom ng tubig para maiwasan ang dehydration at iba pang mga sakit.
Kaugnay nnito, mayroong pagbabagu-bago sa antas ng temperaturang nararamdaman kung kaya’t paiba-iba rin umano ang nararanasang klima ng panahon.
Ito ang siyang dahilan kung bakit ganoon na lamang umano kainit sa hapon at malamig naman pagsapit ng gabi.
Aniya, nakadepende umano ito sa relative humidity na naitatala.
Bunsod nito ay may ilang lugar kung bakit mayroong isolated rain fall o ‘di kaya ay localized thunderstorms.
Samantala, sa buong bansa ay madalas umanong mayroong pinakamaalinsangang panahon ay ang Tuguegarao City, Science City of Muñoz at ang Dagupan City.