Hindi itinaggi ng City Veterinary Office ng Dagupan na hanggang sa ngayon ay nananatili paring marami ang kanilang mga nasisista na iresponsableng pet owners na hinahayang pakalat kalat ang kanilang mga alagang aso sa mga kakalsadahan na kadalasan ding nagiging dahilan ng mga aksidente sa ilang mga motorista.

Sa naging pahayag ni Asst. City Veterinary Officer Daniel Garcia, sa kanilang pinaka huling record ay nasa mga 50% ang mga nananatiling pasaway na mga pet owners na hindi pa rin nagagawang makasunod sa mga nakasaad sa ordinansa kung saan ipinagbabawal ang mahigpit na pagtatali at iwasang pakalat kalat ang mga aso sa daan.

Sa ngayon ay mayroon na din umanong ilang mga barangay dito sa siyudad ang nag-implemet na ng pagbabawal nito kung saan pwede na silang maningil ng penalty na 500-1,000 pesos sa bawat violator.

--Ads--

Ngunit sa kabila nito ay kanilang hinihikayat na rin ang iba pang mga brgy sa siyudad na gawin narin ang striktong implementasyon nito. // With reports of Bombo Marianne Esmeralda

Tinig ni Asst. City Veterinary Officer Daniel Garcia