Sanay at hindi na takot ang mga tao sa bansang Japan tuwing may lindol.
Ito ang ibinahagi ni Bombo International Correspondent Ma. Luisa Alvarez mula sa Nakatsugawa City, Japan kaugnay sa naganap na 6.8 na lindol sa northeastern coast ng naturang bansa noong sabado.
Ayon kay Alvarez, bagamat malakas ang naitalang lindol sa bansang Japan nang nabanggit na araw ay tila nasanay na ang mga tao at handa na sila sa ganitong sakuna.
Sa katunayan aniya, may nakakabit nang bearing ang ilalim ng mga bahay doon upang sumabay na lang ito sa galaw ng lupa upang hindi masira ang kanilang bahay kung kaya’t hindi na natatakot ang mga tao doon sa anumang pinsala at anumang danyos na dulot ng naturang sakuna.
Likas na umanong nagkakaroon ng lindol sa kanilang bansa kung kaya’t tila nasasanay na ang residente doon.
Dagdag pa niya, nasundan man ito ng 3.3 na aftershock ngunit wala naman umanong naitalang pinsala pagkatapos nito.
Matatandaang naitala ang sentro ng lindol sa 38 kilometer ng silangan timog silangan ng Ishinomaki City at may lalim na 47 kilometers mula sa Pacific.