Magsagawa ngayong araw ang KBP Pangasinan Chapter ng Community Bayanihan Pantry sa Calasiao Police Station sa Calasiao, Pangasinan.
Inaasahan ang partisipasyon ng Calasiao PNP sa nasabing community pantry.
Kabilang din dito ang Bombo Radyo Dagupan at iba pang media outlet sa Pangasinan.
--Ads--
Layon nito na matulungan ang mga kababayan nating labis na naapektuhan bunsod ng kahirapan dahil sa covid 19 pandemic.
Sa ilalim ng community pantry, maaaring mag-iwan ang mga tao ng pagkain at iba pang produkto, na puwede namang kuhanin ng mga nangangailangan.
Pinasalamatan naman ng KBP ang lahat ng tumulong sa pag organisa ng nasabing pantry.




