DAGUPAN, CITY— Hindi sang-ayon ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa inilabas ng Department of Education na kumpirmasyon na sa ika-23 ng Agosto na ang pagsisimula ng susunod na school year kung saan magkakaroon lamang ng anim na linggong pahinga sa mga guro at mga estudyante.
Ayon kay ACT-CIS Representative France Castro, kulang na kulang ang 6 weeks academic break sa mga guro dahil mistulang wala ng pahinga ang mga ito at kahit naman noong may face to face classes pa ay may mga ginagawa pa rin ang mga guro halimbawa na lamang mga seminars at ilan pang mga school activities.
Ngunit mas malaki umano ang pagkakaiba sa ngayon lalo nitong pandemic na mas na doble ang trabaho ng mga guro at nadagdagan pa ang kanilang gastos dahil sa internet connection, sa preparasyon at paggawa ng mga modules at dagdag pa sa kanilang trabaho ang pag-distribute ng mga ito sa kani-kanilang mga estudyante.
Kung tutuusin ay nakakapahinga lamang ang mga guro sa buwan ng Abril at Mayo ngunit nagamit naman ngayon ito sa tuloy-tuloy na blended learning.
Una rito, matatandaan na bago pa magsimula ang school year noong nakaraang taon dahil sa pandemic ay halos wala na ring pahinga at bakasyon ang mga guro kasabay na rin ng ilang beses na pagka delay ng pormal na pagbubukas ng klase.
Kaya naman nananawagan ang ACT-CIS na sana ay bigyan ng mas mahabang bakasyon ang mga guro upang makapagpahinga din ang mga ito bago ang susunod na school year. (with reports from: Bombo Mariane Esmeralda)