Matagumpay na naisagawa ang operasyon ng National Bureau of Investigation o NBI Dagupan laban sa apat na masahistang nag aalok ng extra service maging ang dalawang empleyado sa isang spa dito sa lungsod ng Dagupan.
Ayon kay NBI Agent Mark Caseres, isang concerned citizen ang nag dulog sa kanilang himpilan ukol sa insidente ng pagbebenta ng aliw partikular na sa Citirock Massage sa bahagi ng Arellano street.
Matapos nito, agaran silang nagsagawa ng surveillance at ng makumpirmang positibo ang naturang impormasyon, nagsagawa na sila ng entrapment operation.
Nag panggap bilang costumer ang ilang ahente ng kanilang tanggapan at matapos na mag alok ng extra service ang mga naturang indibidwal, dito na din sila nag bayad ng pera sa kahera at matapos tanggapin ang marked money, dito na na consulate ang krimen.
Nagresulta ang naturang operasyon sa pagkakasagip sa 4 na kababaihan na ginagamit sa naturang lugar maging ang pagkaka dakip ng dalawang empleyado.
Nakilala ang dalawang empleyado ng naturang spa na sina Gelyn Almerio at Joseph Carera.
Itinago na lamang din ang pagkakakilanlan ng 4 na kababaihan para sa kanilang seguridad.
Batay sa isinagawang imbestigasyon, lumalabas na alam ng management ng nasabing spa ang ginagawang aktibidad at sa katunayan aniya noong Martes, April 20, tuluyan ng nasampahan sa prosecutors office kung saan nagbigay ng resolusyon ang piskalya na sila’y kinasuhan sa korte sa paglabag sa kasong RA 9208 o mas kilala sa tawag na Human Trafficking Act.
Sa dagdag pang impormasyon na kanilang nakalap mula sa 4 na kababaihan, isang taon na nila itong ginagawa. Ang dalawang empleyado na kanila namang nahuli ay on process ang kanilang piyansa na nagkakahalaga ng tig 200K bawat isa.
Paalala naman ni Caseres, ugaliin na lamang na manatili sa kabahayan lalo pa’t patuloy pa din ang paglaganap ng Covid-19 at hanggat maaari, huwag tangkilikin ang mga ganitong aktibidad dahil tiyak aniya na kapag sila’y naaktuhan, kulungan ang kanilang kakabagsakan.