Nakadeploy na ang mahigit isang daang regional mobile force batallon mula sa Police Regional Office 1 bilang karagdagang puwersa sa dalawampung border control checkpoint sa probinsya ng Pangasinan.
Ayon kay police major Arturo Melchor Jr., tagapagsalita ng Pangasinan Police Provincial Office, nasa kabuoang 102 personnel ang ipinadala sa lalawigan alinsunod sa kahilingan ni provincial director pol. col. Ronald Gayo.
Itinalaga ang mga ito sa mga boundaries ng mga bayan ng Rosales, Infanta, Mangatarem, Aguilar, Bayambang, Binalonan, Umingan, lungsod ng Urdaneta at Sison.
Layunin ng paglalagay ng karagdagang puwersa na bantayan ang mga pumapasok sa probinsya na mga non essential galing sa NCR plus . Ang tanging pinapapasok ay mga essential travel.
Hindi aniya pinapayagan na makapasok kung papasyal lamang sa mga tourist destination bilang pag iingat na rin para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Samantala, kinumpirma ni Melchor na may mga nahuhuling colurum na van na nagdadala ng pasahero na mga non essential partkular mga galing sa NCR plus at karatig na lalawigan.
Sinabi ni Melchor na agad na pinababalik din ang mga van na nahuhuli sa mga border checkpoint mula sa kanilang mga pinanggalingan. Nabatid na walang kaokolang dokumento ang mga pasahero at ang iba ay nais lang mamasyal o bumisita sa lalawigan.
Kaugnay nito ay nagpaalala sa publiko si Melchor na huwag suportahan ang mga illegal na biyahe.
Iwasan na tangkilikin ang mga kolutum na van at ireport agad aniya sa kapulisan nang maiwasan na kumalat ang sakit at makapang hawa sa ibang tao ang kanilang mga pasahero na posibleng may sakit.




