Naghayag ng bagong vaccine safety concerns ang Australian Technical Advisory Group on Immunisation (ATAGI) patungkol sa ulat ng blood clotting ng mga natuturukan ng AstraZeneca vaccine laban sa COVID-19.

Binigyang diin din ni Bombo Radyo Dagupan – International Correspondent Denmark Suede, mula sa Sydney City, sa bansang Australia na ang ATAGI ay binubuo ng mga doktor at spesyalista sa larangan ng virology at immunization.

Ayon sa ATAGI, kailangan pa umano ng mas malawak na pag-aaral sa isang kakaiba ngunit napaka seryosong side effect na may kinalaman sa thrombosis o ang clotting at thrombocytopenia o ang mababang blood platelet count matapos maturukan ng AstraZeneca vaccine.

--Ads--

Dahil dito, mas inirerekomenda ng naturang ahensiya ang Pfizer vaccine para sa mga adultong edad 50 pababa, kaysa sa Astrazeneca.

Ito ay may kaugnayan sa patuloy na pagtaas ng malalalang resulta mula sa mga adultong tinamaan ng COVID-19, at may potensyal na magka-thrombosis at thrombocytopenia matapos maturukan ng nasambit na bakuna.

Maaari naman umanong mabakunahan ng Astrazeneca ang isang indibidwal basta’t ito ay nagdesisyon nang may sapat na kaalaman sa parehong mga panganib at kagandahang epekto nito.

Kaugnay nito, maaaring maturukan ng second dose ng Astrazeneca ang mga nasa edad 50 pababa na siyang una ng nabakunahan at wala namang seryosong adverse effects na naramdaman.

Samantala, tinatatayang nasa 1,160,000 vaccines na ang naiturok sa mga residente ng Australia.

Bombo Radyo Dagupan – International Correspondent Denmark Suede