Hindi African Swine Fever o ASF ang papatay sa mga local hog raiser sa bansa kundi ASD o si Agriculture secretary William Dar.
Ito ang naging pahayag sa bombo radyo Dagupan sa naging panayam kay Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrijultura o SINAG.
Ayon kay So, ang rekomendasyon ni Dar na itaas ang dami ng inaangkat na karne ng baboy at ibaba ang taripa nito ng siyang papatay sa mga local industry lalo nasa 6.7 million na lamang ang naiiwang backyard matapos maapektuhan ang mga alagang baboy ng ASF.
--Ads--
Binigyang diin pa ni So na hindi lang mga hog industry ang apektado kundi maging ang mga nagtatanim din ng mais dahil kung mawala na ang hog industry ay malaki ang lugi sa kanila dahil wala ng bibili ng kanilang produkto.




