DAGUPAN, CITY— Ipinaliwanag ni Abdulcader Dimapinto, isang Imam sa bayan ng Calasiao ang kahalagahan ng pakikilahok ng isang Muslim sa Ramadan.
Ito ay may kaugnayan sa pagsiselebra ng mga nanampalataya sa relihiyong Islam sa naturang kaganapan na mag-uumpisa bukas, Abril 13.
Ayon kay Dimapinto, nakapaloob ang pag-aayuno na isa sa limang haligi ng pananampalatayang islam kung kaya’t ito ay dapat lamang na sundin ng lahat ng mga muslim.
Importante umano ang ramadan dahil dito napapatunayan ng isang muslim kung siya ay tapat sa kanyang pananampalataya sa pamamagitan ng hindi nito pagkain.
Sa pagtatapos din aniiya ng naturang gawain ang mga mananampalataya sa naturang relihiyon ay mapapatawad mula sa kanyang mga nakaraang kasalanan.
Ang pagdarasal naman sa kasagsagan ng Ramadan, umaabot ito ng 8 beses at ang isang gabi ay isang boluntaryo na umaabot ng 1 oras dasal para para mapatawad sila sa mga nakaraang kasalanan kung ito ay ikukumpara sa regular na pagdadasal na 5 beses lamang sa isang araw.