Bantay sarado ngayon ang mga border sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa napaulat na dinadala sa mga hospital sa probinsiya ang mga pasyente mula sa Manila at iba pang lugar.
Ayon kay Pangasinan governor Amado “Pogi” Espino III, patuloy ang koordinasyon nila sa mga LGU at national government agencies lalo na sa PNP upang maging mapagbantay.
Dahil puno na aniya ang mga hospital sa Manila ay dito na nagpupunta ang ilang mga pasyente.
Samantala, kinumpirma ni Provincial Health Officer Dr. Ana Marie de Guzman na sumulat sa mga hospital sa probinsya ng Pangasinan ang Kagawaran ng Kalusugan upang hilingin na mag augment ng manpower para sa National Capital Region o NCR plus dahil may kakulangan na ng mga health workers doon.
Pero sa ngayon ay hindi pa nagpapadala ng mga health workers ang 14 na hospital mula sa probinsya dahil pinaghahandaan din ang paglobo ng kaso sa probinsya at nangangailangan din tayo ng man power.
Napag alaman din na kinakasap na umano ng main hospital sa Manila ang mga sangay nila sa lalawigan kung puwedeng mailipat sa kanila ang iba nilang mga pasyente dahil punuan na sila doon.
Napag alaman na handa naman ang ilang private hospital na may sangay sa Manila tumanggap ng mga pasyente mula sa National Capital region bagamat wala pang pinal na disisyon dito ang Provncial Health Office.




