Umabot na rin sa Trinidad & Tobago mula pa sa Caribbean Island ang ‘Asian hate crimes’ na siyang talamak ngayon sa Estados Unidos.
Sa ulat ni Bombo Radyo Dagupan – International Correspondent Alan Tulalian mula sa nabanggit na bansa, mayroon umanong kababayang Filipino ang naglalakad nang bigla na lamang itong sinampal, minura at inakusahang Chinese.
Dahilan upang pangambahan ng ilang mga Filipino roon na baka sila rin ay makaranas nang ganoong uri ng diskriminasyon.
Noon pa man aniya ay nakatatanggap na silang mga pinoy roon ng ilang mga pangugutya bilang asiano ngunit nakaka-alarma umano na mayroong pisikal na sinaktan dahil lamang sa nangyayaring ‘Asian hate crimes’ ngayon.
Tinatayang higit 4,500 kms. ang layo ng bansa mula sa America na pinagmulan ng naturang hate crimes.