Tinatayang nasa 30 pamilya o humigit-kumulang 140 na indibidwal na nasunugan ang inilikas sa Donya Victoria Zarate Elementary School.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dino Matabang, tagapangasiwa sa ginawang evacuation area, sa loob ng isang silid-aralan ay tanging dalawa hanggang tatlong pamilya lamang ang magkasama at sinisigurong sila ay magkakamag-anak.

Sinuguro nilang hindi pinaghahalo ang mga biktima ng sunog bilang pagtugon sa safety protocols dahil pa rin sa banta ng COVID-19.

--Ads--

Tinututukan din aniya nila ang mga bata na bawal lumabas, gayundin ang pagpapairal ng minimum public health standards na pagsusuot ng facemasks.
VC MATABANG 30 FAMS

Voice of Dino Matabang

Siniguro naman nito na bukod sa mga ibinigay na pagkain at kagamitang pantulog ng lokal na pamahalaan ay marami pang tulong ang paparating sa mga nasunugan mula sa mga pribadong organisasyon at komunidad.

Samantala, ang ibang apektadong residente ay nananatili naman sa PHINMA – University of Pangasinan, na siyang isa sa paaralang pinakamalapit sa pinangyarihan ng insidente.