Posibleng umabot sa 15,000-20,000 COVID-19 cases ang maitala sa araw-araw kung magpapatuloy ang mataas na positivity rate sa Pilipinas.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jomar Rabajante, Data Analyst ng UP COVID-19 Pandemic Response Team, ito ay dahil sa ratio umano ng bilang
ng mga patuloy na nahahawa sa naturang virus na halos umabot na sa 20%.
Samakatwiran, inasahan na nito ang pinaka bagong record-high kahapon na 10,016.
Aniya, dahilan ito sa reproduction number na pumapalo higit sa isa ang nahahawa sa isang covid positive patient.
Nilinaw naman nito na eksponensyal o nagkakapatung-patong ang mga kaso bilang epekto pa ito ng mga nagdaang araw.
Samantala, asahang makikita ang resulta ng pagsasailalim sa bubble at ECQ ng tinatawag na “NCR plus”, isa o dalawang linggo pa matapos mapaso ang itinalaga ng pamahalaan na petsa.
Mainam din umano kung sasabayan ito ng mas pinalawig pang covid testing upang higit na madetermina ang carrier ng virus at ito’y maagapan.
Kasama na ang pagpapatibay sa contact tracing dahil hindi aniya sapat ang paglilimita lamang sa kilos ng publiko upang mapababa ang positivity rate ng bansa.
Samantala, sabay na pagkakaroon ng bagong COVID-19 variants at unti-unting pagbubukas ng ekonomiya ang posibleng nakikitang dahilan kung bakit biglang sumipa ang naitatalang COVID-19 cases sa Pilipinas, sa kabila ng higit isang taong pagsasailalim sa bansa sa napakaraming restrictions.
Nagkasabay-sabay umano ang mga hindi magagandang pangyayari at isa na rin diyan ang pagiging huli ng Pilipinas sa vaccination roll out bunsod ng kasalatan sa pinansyal na pondo.
At batay sa nakikita nilang mobility o pagkilos ng publiko, bumalik na sa pre-pandemic ang paglabas ng mga tao lalo na noong holiday season ng nakaraang taon, maging umano sa kasagsagan ng paseselebra ng Valentine’s Day.
Kaugnay nito, sa higit isang taon umanong nilimitahan ang kilos ng buong bansa, nariyan pa rin naman aniya ang ilang matagumpay na kwento mula sa ating gobierno.
Isa na riyan ay noon umanong buwan ng Setyembre hanngang Oktubre noong nakaraang taon ay talagang bumaba aniya ang mga nahahawa sa nasambit na sakit.
Ngunit sa kabilan niyan ay marami pa rin umanong pagkukulang sa malawakang covid-19 testing at contact tracing.
Gayundin ang kasalatan sa tulong na dapat iabot sa mga kabilang sa vulnerable sectors.
Samantala, hinikayat naman nito ang mga kababayang Pilipino na magpaturok at huwag matakot sa covid-19 vaccine,