Tinatayang nasa 25% na ng healthcare workers o ang itinuturing na priority Group – A ang naturukan ng COVID-19 vaccine sa Region 1.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Rhuel Bobis, Medical Officer IV ng DOH-CHD1, ang nasabing porsyento ay katumbas ng higit 23,000 na medical frontliners mula sa pribado at pampublikong ospital, gayundin ang mga kawaning nasa gobierno.

Kita umano ang tiwala ng naturang healthcare workers sa bakuna dahil alam nila ang mga benepisyo nito.

--Ads--

Makikita naman umano ang epekto ng pinaigting nilang iformation dissemination o ang papakalat ng wastong kaalaman patugkol sa mga bakuna sa pagkakataong senior citizens at indigent population na ang tuturukan nito.

Voice of Dr. Rhuel Bobis

Samantala, binabantayan naman ang Ilocos Sur at Ilocos Norte dahil sa naitatalang pagtaas ng COVID-19 cases sa mga naturang lalawigan.