DAGUPAN, CITY— Isang Pangasinense ang nanguna sa March 2021 Medical Technologist Licensure Examination.
Nanguna sa naturang pagsusulit si Felix Jayson Magleo Vegella mula sa Virgen Milagrosa University Foundation at tubong San Carlos City dito sa lalawigan ng Pangasinan sa gradong 91%.
Sinundan siya ni Rocelle Anne Ramos Leonardo ng Far Eastern University-Manila at Clarice Anne Castroverde Medrano ng Emilio Aguinaldo College-Manila sa rating na 88.30%.
Pangatlo si Bernard Garcia Oledan Jr., ng Centro Escolar University-Makati sa 87.70% rating.
Mahigit 1,900 examinees ang nakapasa sa nabanggit na eksaminasyon.
Inilabas ang resulta matapos ang limang working days mula sa huling araw ng eksaminasyon.
Ayon sa inilabas na resulta ng Professional Regulation Commission kahapon, sa 3,251 examinees, 1,921 ang pumasa sa naturang pagsusulit.
Matatandaang isinagawa ang eksaminasyon sa Maynila, Baguio, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena, Pangasinan, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Samantala, isasagawa naman ang registration para sa paglalabas ng Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration online mula April 20 hanggang May 14, 2021.