Nais ng LTO Region 1 na muling ipatupad ang Child Restraint System upang mabawasan ang mga insidente ng minor de edad na namamatay dahil sa road accident.
Ayon kay LTO Region 1 Director Teofilo “jojo” Guadiz III kailangang maipagbigay alam sa publiko ang tungkol sa child restraint system dahil 6 sa 10 mga aksidente ay damay ang mga menor de edad.
Kung iniimplementa ang CHR ay maililigtas ang mga ito ay maibibigay ang safety needs ng minors sa daanan.
Nilinaw din nito na ang rason sa pag suspende sa naturang batas ay para bigyan ang publiko ng oportunidad upang mabigyan ng sapat na kaalaman ukol dito.
Ito rin ay oportunidad upang mainform ang local government units sa pangangailangan ng child restraint system.
Nagiging delikado na rin umano ang pagmamaneho dahil sa dumadaming aksidente na nangyayare sa daan kung saan ang pagkamatay dahil sa road o traffic accident ay nasa 10 sa bawat 100,000 na katao.
Ito ay dahil na rin sa kakulangan na magimplementa ng uniform speed limit sa Pilipinas na isang madalas na rason kung bakit may aksidente. //Report of Bombo Adrianne Suarez