Muling nagpaalala ang mga namamahala sa Tondaligan Beach laban sa banta ng dikya sa naturang dagat.

Ito ay matapos muling nakapagtala ng ilang mga beachgoers na nakagat ng dikya kahapon.

Ayon kay Jun Cadiz, na siyang Tondaligan Beach administrator, kanyang sinabi na maging mapagmatyag tuwing naliligo sa dagat lalo na’t kung mayroong mga dikya sa parte na kanilang pinagliliguan.

--Ads--

Nakaantabay naman umano ang kanilang hanay sa pagresponde sa mga biktima.

Mayroon din umanong mga nakahandang mga gamot mula sa City Health Office upang paunang lunas sa mga nakagat ng dikya.

Ngunit kanya namang nilinaw na tuwing mainit ang panahon at biglang uulan lamang lumalabas ang mga dikya sa naturang dagat at aalis din kapag maayos na ang panahon.

Voice of Jun Cadiz