Pinangangambahan ang pagsirit ng 3rd wave ng COVID-19 infection sa buong Europa.

Sa ulat ni Bombo Radyo Dagupan – International Correspondent Grant Gannaban-O’Neill mula sa Salisbury City, England, sa kabila ng matagumpay na pagpapatuloy ng kanilang vaccination program ay posibleng sumipa ang 3rd wave Covid infection rate isa o dalawang linggo mula ngayon, batay sa pagtataya ng mga eksperto.

Sa ngayon ay naibalik na ang face-to-face classes sa naturang lugar ngunit bilang pag-iingat ay dalawang beses sa isang linggo isinasailalim sa pagsusuri ang mga guro at mag-aaral.

--Ads--

Kaugnay nito ay umiiral pa rin ang lockdown sa bansa.

Bombo Radyo Dagupan – International Correspondent Grant Gannaban-O’Neill