Nakapasa at nakakuha ng matataas ang marka ang ibinigay sa lahat ng LGUs sa probinsiya batay sa katatapos na initial cross validation sa road clearing sa Pangasinan.

Ayon kay DILG Pangasinan Provincial Director Paulino Lalata Jr., full implementation ng road clearing ang isinagawa sa probinsiya dahil nasa ilalim ito ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) kung saan nagkaroon ng cross validation ang bawat munisipalidad.

Sa assessment ng naturang Provincial Director, mayroong nakikitang pagbabago kumpara sa nakalipas na road clearing validation dahil gumawa ng hakbang ang mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan sa lalawigan para makapagcomply sa direktiba ng Pangulo pahinggil sa road clearing.

--Ads--
Voice of Paulino Lalata Jr.

Ilan naman sa mga nakitang minor road obstruction ang illegal parked vehicles, pagbebenta sa mga kalsada at walang ordinansa na nagbabawal sa illegal obstructions along drive of way.

Samantala, ayon kay Provincial Director na kapag ang isang kalsada ay nalinis na ng LGU, ititurn-over na sa Barangay ang responsibilidad para sa pagpapanatili ng mga nalinis na kalsada.

Sa ngayon inaantay pa ang pinal na resulta sa isinumiteng evaluation sa central office para sa finalization ng national compliance data.

Matatandaang, sinimulan ang validation period ng road clearing 2.0 mula noong February 16 na nagtapos noong March 2 sa lahat ng probinsiya, munisipalidad at siyudad sa buong bansa.