Nangangamba ang lokal na pamahalaan ng Pangasinan sa biglaang pagsirit ng COVID-19 cases sa buong bansa, partikular sa naitalang higit 7,100 na mga kaso kahapon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Anna Marie de Guzman, Provincial Health Office (PHO) Pangasinan Chief, ito ay dahil umano sa kalapitan ng National Capital Region (NCR) sa probinsiya, na siyang episentro ngayon sa Pilipinas; gayundin sa lungsod ng Baguio na siyang sumisipa rin ang mga nagpopositibo sa nabanggit na virus.

Bagaman nauna ng idineklara ang uniform travel restrictions sa kalakhang Pangasinan na hindi na kailangan ang travel authority at medical certificate sa papasok o uuwi ng lalawigan, naglathala pa rin ng kautusan ang Gobernador na magpatala ang mga ito sa kani-kanilang local government units upang matiyak ang mga wastong hakbangin sa pag-iwas sa pagdami ng hawaan.

--Ads--
Voice of Dr. Anna Marie de Guzman

Inabisuhan din ang mga turistang papasok sa lalawigan na magkaroon ng advance booking at siguraduhin umanong walang ibang mga aktibidad silang dadaluhan na hindi alam ng travel organizers ng probinsiya.