DAGUPAN, CITY— Magsasagawa ang Pangasinan People’s Strike for the Environment ng isang protesta ngayong araw upang ipanawagan sa mga mamamayan ang lumalalang epekto ng climate change sa buong mundo kasabay ng Global Climate Strike 2021 na siya namang gaganapin sa CSI Market Square sa lungsod ng Dagupan ngayong araw.

Ayon kay Eco Dangla, convenor ng Pangasinan People’s Strike for the Environment at tagapagsalita ng BAYAN Pangasinan, ito ay kaugnay na pagkilos noong March 15 na nakaangkla naman sa pagsusumite nila ng unity statement sa Pangasinan Capitol kauganay sa kanilang petisyon na itigil ang pagpapatayo ng pangalawang coal powerplant sa bayan ng Sual.

Aniya ang naturang programa ay magaganap ng alas-4 hanggang alas-5 ng hapon ngayong araw kasabay ng iba’t ibang mga grupo sa pilipinas sa pangunguna ng youth advocate for climate act in the philippines at ilan pang grupo sa ibang bansa.

--Ads--
Tinig ni Eco Dangla, convenor ng Pangasinan People’s Strike for the Environment at tagapagsalita ng BAYAN Pangasinan

Magiging sentro ng magiging protesta ang usapin sa climate crisis at planet emergency.

Saad pa ni Dangla, ramdam na umano ang epekto ng climate change ng buong mundo kung kaya’t nais nilang ipanawagan at imulat ang mamamayan ukol sa paksang ito at maiwasan na rin umano ang paggamit ng mga produkto o mga materyal na naglalabas ng mga greenhouse gases na siyang sumisira sa ating ozone layer.