Nakumpiska sa isinagawang joint operation kasama ang Infanta Pnp ang ilang illegal na pinutol na mga punong kahoy sa isang bulubunduking bahagi ng isang barangay sa naturang bayan.

Ayon kay Pmaj. Marlo Gamboa, OIC Infanta Pnp naiparating sakanila ang report mula sa isang concerned citizen sa umanoy nagaganap na illegal logging activity sa lugar kaya naman agad itong nirespondehan ng mga otoridad upang kumpirmahin. At ng makarating nga ang mga kinauukulan sa Brgy. Babuyan Sitio Carayan ay hindi na naabutan ang mga suspek dahil marahil ay natunugan ng mga ito amg kanilang pagdating kaya maaring sinamantala na ng mga ito ang makatakas.

Ngunit dahil sa pagmamadali ng mga suspek ay hindi na nila nagawang makuha pa ang kanilang mga pinutol na kahoy na nagresulta nga upang marekober ang 659.5 board ft na puno na tinatawag na ‘yambang’ na mayroong market value na hindi bababa sa 46,000 pesos at karagdagan pa rito ay nakumpiska rin ang isang unit ng chainsaw.

--Ads--
Voice of PMaj. Marlo Gamboa

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya pa ng Infanta Pnp ang mga narekober na mga ebidensya ngunit nakatakda namang i turnover sa kanilang Municipal Environment and Natural Resources Office para sa karagdagan pang mga dokumentasyon.

Samantala nagpapatuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy at mahuli ang mga suspek na responsable sa naturang illegal logging activity.