Naipagpapatuloy na ang isinasagawang anti-rabies vaccination ng city veterinay office sa mga barangay sa siyudad ng Dagupan.
Ayon kay City Veterinarian Dr. Michael Maramba sa ngayon ay nasa 12 barangay na ang kanilang naikutan at nasa 30% – 50% na ng mga alagang hayop sa lungsod ang nabakunahan.
Kakatapos lang din ng kanilang vaccination sa barangay bonuan binloc kung saan nakapagbakuna ang mga ito ng nasa 457 na aso at susunod naman na pupuntahan ng mga ito ngayong Marso ang barangay Tambac, Bonuan gueset, Tapuac, Herrero perez, Caranglaan, Lasip chico, at Pugaro habang nakaschedule naman sa buwan ng Abril ang barangay Mangin at Lucao.
Sa kanilang datos, may pinakamaraming alagang hayop na nabakunahan sa Bonuan boquig na umabot sa 1,300 na alagang hayop.
Ito ay isang importanteng hakbangin dahil sa ngayon ay maraming dog bite cases na naitatala sa city health office kung saan halos araw-araw ay may binabakunahan na biktima ng kagat ng aso, at nitong Marso lamang ay nakapagtala ng isang positibo sa rabies na dog bite cases.
Ikinatuwa naman ni Dr. Maramba na mas tumataas na ang awareness ng mga tao pagdating sa responsible pet ownership at dumarami rin ang mga pet owners ang nagpapabakuna ng alagang aso dahil sa libre ito kumpara sa ilang veterinary clinic na nasa 350 to 500 pesos ang pagpapabakuna.
Samantala, aminado naman ang naturang himpilan na may mga pagsubok na dala ang pandemya sakanilang mga hakbangin tulad na lamang ng pagtalima sa protocol na no face mask no face shield no vaccination at hindi na rin maaaring bata ang nagdadala ng alagang hayop. // Reports of Bombo Adrianne Suarez