Ipinagpaliban ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Pangasinan ang resolusyong naglalayong manghimok at magbigay suporta sa kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte upang tumakbo muli sa susunod na halalan bilang Bise Presidente.
Sa naganap na 59th Regular (Physical) Session ng 10th SP, sa pangunguna ni Vice Gov. Mark Ronald Lambino bilang principal author ng nasambit na resolusyon, kaniyang inilatag na higit na nakinabang sa socio-economic agenda ang buong bansa sa ilalim ng pamumuno ng Pangulo mula noong 2016 na siyang naapektuhan at nahinto lamang sa patuloy na pag-unlad dahil sa nararanasan pa ring pandemya dulot ng COVID-19.
At bilang naisiwalat umanong nasa Pangulo pa rin ang kalakhang suporta ng publiko hinggil sa Covid Plan at economic recovery plan ng bansa;
Kasama ng paniniwala na upang epektibong maituloy ang mga ito ng gobierno, kailangang mapairal ang polisiyang pagpapatuloy sa pamamahala.
Na siya namang inalmahan ng ilang Board Members ng lalawigan bilang ito umano ay pawang pamumulitaka lamang at hindi napapanahon sa ngayon.
Saad naman ni 4th District BM, Cong. Jeremy Agerico “Ming” Rosario, bagaman nakikita aniya ang kagandahan ng naturang resolusyon bilang isa ito sa taga suporta ng PDP–Laban, dapat aniyang bigyang pagkilala muna ang Gobernador ng probinsiya dahil ito ang Chairman ng naturang samahan sa lalawigan.
VC ROSARIO DUE COURTESY
Na sinagot naman ni Lambino na wala aniya siyang sinasagasahang anumang politikong partido at inihain ang nabanggit na proposal bilang isang mamamayang Pilipinong nakakakita ng kakayahan ng Pangulong maipagpatuloy ang mga naumpisahang pagbabago, bilang hindi rin naman aniya siya kasapi sa naturang samahan.