Patuloy na iniimplementa ang No Swimming Policy sa Lingayen beach sa kabila ng pagluwag ng guidelines alinsunod sa IATF Resolution No. 101 at pagnanais ng ilang mga residente na magtampisaw sa naturang pasyalan.
Ayon kay Avenix Arenas ang Asst. PDRRM Officer ng Pangasinan ang pinagkadahilan nito ay ang banta na maaaring maging dahilan ito sa muling pagtaas ng COVID-19 cases sa probinsya.
Pinangangambahang dahil mas bukas na ngayon ang travel restrictions ay maraming mga lokal, dayuhan at mula sa ibat-ibang probinsya ang dadagsa at maliligo rito lalo na at libre ang mga shed at cottages sa lugar.
Kung magkukumpol-kumpol din ang mga ito ay hindi masisiguro na masusunod ang mga iniimplementang health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng nasambit na virus.
VC ARENAS NO SWIMMING
Bagama’t mayroong no swimming policy, hindi pa rin nawawala ang mga nakaantabay na mga otoridad upang masiguro na walang maliligo at mamamasyal dito.
Sa kanilang monitoring din ay kanilang napapansin na sa weekends may mga namamasyal dito ngunit sinasabihan parin ang mga ito na bawal maligo sa beach.
Hinihintay pa rin sa ngayon ang approval ng provincial government kung kailan ipapatupad ang swimming policy ngunit sa ngayon ay tuloy tuloy parin ang kanilang paghihigpit dito at hinihikayat din ang mga counterpart pdrrmo sa ibat ibang bayan at siyudad sa lalawigan na kung pwede ay maiwasan ang pagligo sa mga beach ngunit ang pagiimplement nito ay discretion parin ng mga local chief executive o lgus.
Kasabay nito ay naglalagay din ang PDRRMO ng advisories ukol sa COVID-19 cases upang makatulong sa pagbaba nito.
Samantala, dahil naman sa pandemya ay may mga nagbago sa kanilang mga emergency response katulad sa bagyo dahil ang ilang mga evacuation centers ay hindi na magamit dahil nagsilbi ito bilang isolation facilities kaya’t naghahanap ng mga alternatibong evacuation center ang mga ito. //With reports of Bombo Adrianne Suarez