Nagpahayag ng suporta ang ilang Local Government Units (LGUs) sa lalawigan ng Pangasinan pagdating sa gradual re-opening ng campuses ng Higher Education Enstitutions (HEIs) upang maipatupad ang limited face-to-face classes sa ilang health related courses.

Ayon kay Dr. Rogelio Galera, ang OIC regional director ng CHED Region 1, nagsimula na ang kanilang pag-iikot sa LGUs upang ipresenta ang CHED-DOH joint memorandum circular para sa susunod na semester sa anim na degree programs na kinabibilangan ng Doctor of Medicine, Nursing, Medical Technology, Physical Theraphy, Midwifery, at Public Health.

Nakapagsimula ng makipagkoordina ang mga ito sa lokal chief executives sa San Fernando City, Dagupan City, at Urdaneta City kung saan ipinagpapasalamat ng CHED Region 1 ang kanilang pagpapahayag ng suporta sa naturang memorandum.

--Ads--
Voice of Dr. Rogelio Galera

Para naman sa mga HEIs na nais mag-apply rito ay kinakailangang sumunod ang mga ito sa iba’t-ibang protocols at documentary requirements na nakapaloob sa CHED-DOH joint memorandum circular dahil papayagan lamang na magsagawa ng face-to-face classes ang mga ito kung may authority mula sa CHED kung saan nararapat na kanilang mabisita ang mga eskwelahan kasama ang DOH, LGUs, at IATF upang masigurado na ang requirements ay maipapatupad.