Nasawi ang isang 12 anyos na bata matapos itong malunod sa isang irigasyon sa Brgy. Ungib sa bayan ng San Quintin, Pangasinan.
Sa ekslusibong panayam kay PCPT Ffredie Lorenzo, OIC ng San Quintin Pnp, alas dyes ng umaga ng makatanggap ng report mula sa isang concerned citizen sa naturang insidente at sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad nagtungo sa irigasyon ang biktima at ang dalawa pa nitong kasamahan na kapwa din menor de edad at habang lumalangoy umano ang mga ito ay nabigla na lamang ang dalawang kasama ng biktima ng hindi na ito umahon sa tubig kung saan ito lumangoy at ng mapagtanto ng dalawa na nawawala na ang biktima ay dito na sila umahon at sinubukan pang hanapin anag biktima.
Nang hindi na nila makita ang biktima ay umuwi na ang mga ito ngunit dahil sa takot ay hindi nila ipinarating agad sa kanilang mga magulang ang nangyari.
Lumipas pa umano ang ilang oras bago aminin ng dalawang kasama ng biktima na nawawala ito habang sila ay naliligo sa irigasyon kaya naman hindi agad na nakapagsagawa ng retrieval operations.
Naging pahirapan naman ang pag retrieve sa biktima dahil sumiksik ang katawan nito sa water bank ng irigasyon at tanging paa lamang nito ang nakalabas.
Ginawa naman ng rescue team lahat ng paraan ngunit sa kasawiang palad ay patay na ang biktima ng makuha ang katawan nito.
Samantala, sa inisyal na imbestigasyon naman ng kapulisan ay napg alaman mula mismo sa mga magulang ng tatlong bata na hindi nagpaalam ang mga ito na sila ay magtutungo sa nasabing irigasyon kaya laking gulat na lamang ng mga ito ng malaman ang insidente.
Dagdag naman ni PCAPT. Lorenzo, talagang ipinagbabawal na maligo sa nasabing irigasyon ngunit dahil sa walang nagbabantay sa lugar ay maaring sinamantala ng mga bata na maligo doon.




