Nilagdaan ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Pangasinan at Commission on Population and Development ang mas papaigting ng Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 (RPRH Law) sa probinsiya.

Ito ay upang mas mapagtibay ang naturang polisiya sa ibat-ibang lokalidad sa lalawigan at masiguro ang pagkakaroon ng responsableng parenthood at reproductive health information and services partikular na sa mga nasa marginalized sectors.

Mandato sa ilalim ng RPRH Law ang mga local government units (LGUs) na siguruhin ang naturang probisyon, na siyang sakop ang parehong natural at artificial methods ng modern family planning (FP) sa lahat anuman ang kanilang edad, kasarian, gender disability, marital status, o background.

--Ads--

Ani Popcom Regional Director Erma R. Yapit may kaugnayan sa lumolobong teenagae pregnancy sa bansa, mayroong bukas na social protection program para sa teenage mothers kasama ng kanilang mga anak, kung saan mayroong ilang pamamaraan upang yaong mga nabuntis nang maaga ay hindi masundan muli.

Sa nilagdaang Memorandum of Understanding (MOU) ay nakasaad din na ang Local Development Code ay isinalin na sa LGUs ang pangunahing paniniguro ng kapakanan at pag-unlad ng kanilang nasasakupan kasama na ang population at family planning services.