Ikinokonsiderang drug-cleared na ang nasa 26 na bayan at isang siyudad sa lalawigan ng Pangasinan habang nananatiling drug-affected pa ang 20 bayan at tatlong siyudad.

Ayon kay Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) Public Information Officer P/Major Arturo Melchor Jr., sa apat na siyudad sa probinsiya ay tanging Alaminos City ang drug-cleared at ang tatlong lungsod na tinukoy na drug-affected ay kinabibilangan ng lungsod ng Dagupan, San Carlos at Urdaneta.

Sa kabuuang 43 bayan, ang bayan ng Sto. Tomas ang nananatiling drug-unaffected .

--Ads--

Sa ngayon, 19 na munisipalidad at siyudad sa lalawigan ng Pangasinan ang patuloy sa drug-clearing operations.

Sa 1,300 mga barangay, 236 dito ang drug-infected at sa drug-cleared barangays, lima rito ang bumalik sa drug-affected category dahil sa ilang drug personalities sa kanilang mga lugar.

Binigyang diin ni Melchor na sa kabila ng pandemya, hindi tumigil ang kapulisan sa paghuli sa drug dealers at users para makamit ang drug-free sa Pangasinan.

Samantala, binigyan ng ultimatum ang mga Chief of Police sa mga drug-affected towns at cities ng hanggang sa huling araw ngayong taon para malinis ang kani-kanilang nasasakupan.