Hindi tutol ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Dagupan sa pagbabalik operasyon ng inter-regional buses sa lalawigan ng Pangasinan.
Ngunit binigyang diin nito na kailangan pa ring pag-aralan ang magiging paggalaw ng talaan pagdating sa COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) hanggang ika-15 ng Marso, taong kasalukuyan.
Kung sakali rin umano na sila ay payagang magbalik biyahe na ay dapat mayroong patakaran mula sa nabanggit na siyudad ang kanilang susundin tulad na lamang ng limitasyon sa pag-operate sa gabi, kung saan papayagan lamang ito ng mula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon upang kung sakaling magkaroon ng problema ay maresolba ito agad dahil bukas ang mga ahensiya ng siyudad at ang pagsunod ng mga ito sa minimum health standards.
Nararapat din na maimplementa ang seating capacity na 50% lamang, pagpresenat ng mga pasahero ng valid ID at pag sign-up sa Go Pangasinan para sa QR code.
Patuloy rin na minomonitor sa ngayon ang mga nag-ca-carpool dahil nag-o-operate ang mga ito bilang kolorum sapagkat walang regulasyon ang mga ito mula sa local government unit ng lungsod.