Lubos na makakatulong ang pagdating ng mga bakuna laban sa covid19 sa lungsod ng Dagupan hindi lamang sa kalusugan ng mga tao ngunit maging sa pagrekober ng ekonomiya sa lungsod.

Ayon kay Dagupan City Mayor Marc Brian Lim, ang mga bakunang ito ay makakatulong sa pagbawas ng restrictions sa paggalaw ng tao na dahilan sa pagsigla ng negosyo.

Aniya, makakabawas ito sa pasakit ng mga tao na dala ng pandemya kaya lahat ng public health policies na ipinaiiral ay konektado din sa ekonomiya ng lungsod.

--Ads--

Dagdag pa ng alkalde na siya ay believer ng covid19 vaccine at talagang handa at nais din nitong magpabakuna kapag dumating ang panahon na pwede na itong maturukan dahil sa ngayon ay mga priority list na health workers muna ang binabakunahan.

Voice of Dagupan City Mayor Marc Brian Lim

Wala umanong perpektong bakuna ngunit siguradong ang mga ito ay makakatulong sa pag-iwas ng severe symptoms at pagkamatay kaya’t nararapat ito upang maprotektuhan ang sarili at mga mahal sa buhay laban sa covid19.

Ang 2, 171 doses ng sinovac vaccine na dumating sa lungsod ay nanggaling sa department of health na parte ng mga bakuna na mula sa china.

Layon nitong mabakunahan ang medical frontliners sa walong private hospitals at maging ang mga private medical institutions sa dagupan.

Pagdating naman sa vaccination rollout ay may 14 possible school sites sa lungsod at ang iba naman ay ipapasakamay na sa mga hospital na mabibigyan ng bakuna.

Voice of Dagupan City Mayor Marc Brian Lim

Inaasahan naman ng lokal na pamahalaan na darating ang second dose ng sinovac vaccine at iba pang brand ng bakuna para sa mga mamamayan ng lungsod. | With reports of Bombo Adrianne Suarez |